Pormal nang nagsampa ng kaso sa Department of Justice (DoJ) ang Securities and Exchange Commission (SEC) laban sa mga opisyal ng Kapa-Community Ministry International, Inc. (KAPA).
Nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act No. 8799 o Securities Regulation Code (SRC) sina KAPA founder at president Joel A. Apolinario, trustee Margie A. Danao at corporate secretary Reyna L. Apolinario.
Kinasuhan din ng SEC sina Marisol M. Diaz, Adelfa Fernandico, Moises Mopia, Catherine Evangelista at Rene Catubigan dahil sa panghihikayat at pag-promote sa naturang investment scam.
Ayon sa SEC, marami pa silang sasampahan ng kaso dahil kasalukuyan pa nilang kinikilala ang ilan pang personalidad na sangkot sa naturang scheme.
Lumalabas daw sa imbestigasyon ng SEC na hinihimok ng KAPA ang publiko na mag-donate ng P10,000 kapalit ng 30 percent monthly “blessing†o “love gift†for life.
Pinapangakuan daw ang mga magdo-donate na mag-invest kahit hindi na sila magtrabaho at maghintay na lamang sa kanilang payout.