Pinatawan ng sanctions ng US Treasury Department si Kingdom of Jesus Christ Pastor Apollo Quiboloy at 40 iba pa mula sa 9 na mga bansa may kinalaman sa korupsyon at human rights abuses.
Ito ay kasabay ng pagkilala sa International Anti-Corruption Day at Human rights Day.
Ayon pa sa kagawaran, masigasig na gumaghawa ng aksiyon ang Treasury para mapanagot ang mga human rights abusers at corrupt actors mula sa iba’t ibang panig ng mundo kabilang ang pagpataw ng sanctions sa mga indibidwal at entities sa Wstern Balkans, Belarus, Liberia, Guatemala, Russian Federation, Burma at Iran.
Sinabi din ng US Treasury Department na sa mahigit isang dekada, si Pastor Quiboloy o Apollo Carreon Quiboloy ay nasangkot sa seryosong paglabag sa karapatang pantao kabilang ang panghahalay sa mga kababaihan na nasa murang edad lamang o 11 anyos at sa iba pang physical abuse.
Noong 2021, isang federal indictment ang ipinataw kay Quiboloy dahil sa sex trafficking sa mga kabataang babae sa Kingdom of Jesus Christ na itinatag noong 1985.