-- Advertisements --
KAPA JOEL APOLINARIO 2
KAPA founder Pastor Joel Apolinario

Itinakda na ng Department of Justice (DoJ) ang preliminary investigation sa mga kasong isinampa laban sa mga opisyal ng Kapa Community Ministry International Inc. (KAPA).

Ayon sa DoJ, ang imbestigasyon ay isasagawa sa July 5 at July 15 ganap na ala una ng hapon.

Kugnay nito, pinadalhan na ng DoJ ng subpoena ang mga opisyal ng Kapa na inirereklamo dahil sa umanoy large-scale investment scam.

Inatasan na ni Asst. State Prosecutor Gilmarie Fe Pacamarra ang mga respondents sa kaso na humarap sa DoJ para sagutin ang reklamong paglabag sa Republic Act 8799 o Securities Regulation Code na isinampa ng Securities and Exchange Commission (SEC).

Binigyan ng DoJ ang mga inirereklamong opisyal ng KAPA na magsumite ng kanilang counter affidavit sa itinakdang pagdinig.

Kasama sa mga ipina subpoena ng DOJ sina Pastro Joel Apolinario founder at presidente ng KAPA, board of trustee na si Margie Danao, corporate secretary Reyna Apolinario at mga opisyal na sina Marisol Diaz, Adelfa Fernandico, Moises Mopia, Catherine Evangelista at Rene Catubigan.

SEC team
SEC officials filed formal complaint before the DOJ vs KAPA founder Pastor Joel Apolinario and other officials

June 18, nang magsampa ang SEC ng reklamo laban sa KAPA.