-- Advertisements --

DAVAO CITY – Hindi na inembalsamo pa ang bangkay ng pastor na nabaril at napatay ng mga kasapi ng Jose Abad Santos Police Station matapos mang-agaw ng armas ng mga pulis habang nakasakay sa patrol car dahil sa reklamo nitong pananakit ng tiyan na dati nang naopera.

Kagabi inilibing na si Pastor Roger Lakina matapos mabaril sa ulo ng mga nagrespondeng pulis.

Matapos makunan ng finger print ng mga kasapi ng Sccene of the Crime Operatives (SOCO) sa punerarya ng Malita, Davao Occidental kaagad na ibinalik sa kanilang lugar sa Barangay Marabatuan, Jose Abad Santos, Davao Occidental ang bangkay ng biktima.

Wala umanong pera ang pamilya para pambayad sa punerarya kaya minamadali ang paglibing sa pastor kagabi.

Ang mga napatay naman sa pananaga ng nag-amok na pastor na si Jemar Muntad, limang taong gulang ay nailibing na kahapon ng umaga habang sina Marimar Muntad, ang adopted daughter ng pastor na tatlong buwang buntis at ang kanilang kapitbahay na si Ulipeo Uso ay nailibing na nitong nakaraang araw.

Ang mga biktima ay pawang residente ng Sitio Pakpakan, Purok Narra, Barangay Marabago, Jose Abad Santos, Davao Occidental.

Ang pastor ay nag-amok umano dahil kulang ng P1,000 ang ibinigay na dowry na hiningi sa pamilya ng lalaki na nakabuntis kay Marimar.

Si Jomar Muntad na nakabuntis kay Marimar ay wala sa kanilang bahay nang maganap ang krimen.