-- Advertisements --

KORONADAL CITY – Binawian ng buhay ang isang pastor matapos na masangkot sa isang aksidente sa national highway, Purok Crismos, Barangay Saravia, Koronadal City.

Ito ang inihayag ni Staff Sergeant Semirvidor Namoca, traffic investigator ng Koronadal City PNP sa panayam ng Bombo Radyo Koronadal.

Kinilala ang nasawi na si Pastor Roger Calinao, 66, na residente ng Purok Maharlika, Barangay Saravia, Koronadal City.

Lumabas sa imbestigasyon ng traffic section na sumalpok ang motorisklong minamaneho ni Calinao sa isang SUV na pagmamay-ari ng Pag-IBIG Fund Koronadal at dahil sa lakas ng impact tumilapon ito at nagkaroon ng matinding head injury.

Napag-alaman na nag-overtake ang SUV sa sinusundan nitong sasakyan at hindi nito nakita ang isa pang motorsiklo na nasa unahan nito kaya’t inagaw nito ang kabilang lane na kalaunan sinubukang bumalik ngunit siya namang paparating ang motorsiklong minamaneho ni Calinao kaya’t sumalpok ito sa likurang bahagi ng sasakyan.

Mula umano si Calinao sa Tupi papuntang lungsod ng Koronadal habang mula sa Koronadal papuntang Gensan City naman ang SUV na minamaneho Angelito Gorgonio Zurita, 46, may-asawa, at residente ng Agan North, Barangay Morales, Koronadal City.

Dinala pa sa South Cotabato Provincial Hospital si Calinao ngunit hindi na nailigtas pa.