Nananatiling at large si Kingdom of Jesus Christ leader at founder Pastor Apollo Quiboloy at 5 pang kapwa akusado nito na itinuturing na wanted matapos isyuhan ng warrant of arrest ng Pasig RTC sa kasong qualified human trafficking.
Ito ay matapos na hindi nakita ang 6 na wanted na indibidwal kasama si Quiboloy nang muling i-raid ang properties ni Quiboloy sa ilang parte ng Davao city at Davao del Norte ayon kay NBI-Southeastern Mindanao Region director Archie Albao.
Ang mga kapwa akusado ni Quiboloy na pinapaaresto ay sina Jackielyn Roy, Cresente Canada, Paulene Canada, Ingrid Canada at Sylvia Cemañes.
Matatandaan na agad sumuko awtoridad ang 4 sa babaing respondents matapos ilabas ng Davao RTC ang warrant of arrest sa kasong child abuse kung saan maaaring makapagpiyansa subalit sa kasong human trafficking na inihain sa mga respondent ay walang kaukulang piyansa.
Ayon kay Dir. Albao nagpapatuloy ang mga negisasyon sa pagitan ng awtoridad at kampo ni Pastor Quiboloy para sa kaniyang pagsuko ngunit sa kabila nito patuloy din aniya ang pangangalap ng intelligence at surveillance sa lahat ng properties ng Pastor.
Inamin naman ni Albao na isang hamon ang paghahanap sa kontrobersyal na religious leader dahil malawak umano ang property nito sa Glory and Prayet mountains sa Barangay Tamayong na nasa mahigit 100 ektarya
Samantala, ibinalik ang warrant of arrest kina Quiboloy matapos magpaso ang 10 araw na effectivity nito at inaantay ng awtoridad na magisyu ang korte ng alias warrant of arrest.