PASTOR QUIBOLOY BALAK MAGPATAYO NG MGA PAARALAN SA BLAAN COMMUNITY SA KITBOG MALUNGON SARANGANI PROVINCE
Post by bombogensan » Tue Jun 04, 2024 4:20 pm
GENERAL SANTOS CITY – Ang lupang itinayo ng Kitbog Blaan Community sa Malungon Sarangani province ay pag-aari ng mga residente.
Ito ang ibinunyag ni Gloria Pangilan na isa sa mga mananampalataya sa simbahang pinamamahalaan ni Quibuloy.
Hindi man tiyak kung ilang ektarya ang kanilang ibinigay, ngunit ayon sa kinikilalang pinuno, nabanggit na ang kanilang mga pangangailangan tulad ng pagkain, kuryente at iba pa ay ibinibigay ng pastor.
Ipinaliwanag nito na ang mga residente sa lugar ay nagtatanim ng iba’t ibang pananim at ang mga produkto tulad ng prutas at iba pang nakakain at binibili rin ng mga residente sa naturang komunidad.
Dahil pribado ang nasabing lugar, sinabi diumano ni Pastor Quibuloy na plano niya na magtayo ng paaralan sa lugar ngunit hindi pa ito masimulan sakadahilanan na may ginagawa pa sa ibang lugar na hindi pa natatapos.
Habang itinaggi naman ni Pangilan na nagtatago sa Kitbog ang pinaghahanap ng batas na si Pator Apollo Quiboloy.