-- Advertisements --

DAVAO CITY – Nakatanggap umano ng banta sa kanyang buhay si Kingdom of Jesus Christ founder Apollo Quiboloy.

Nagpaalala ang Pastor sa nagbanta sa kanya na kung po-protektahan man siya ng diyos o hindi, wala umanong makakapigil sa kanya.

Dagdag pa ni Pastor Quiboloy na mas lalakas pa siya para labanan ang mga masasamang gawain.

Hindi rin umano siya basta-basta na magbibigay ng pahayag kung hindi siya handa sa ano mang mangyayari.

Dagdag pa nito na hindi siya nagtatago at handa pa siya na ihayag kung ano ang kanyang schedule at saan siya sa kasalukuyan.

Nabatid na muling uminit ang pangalan ng pastor matapos ang inilabas na wanted poster sa Federal Bureau of Investigation (FBI) sa Amerika dahil sa kasong sex trafficking kasama ang dalawa pang kasamahan ng mga ito.