-- Advertisements --

Kinumpirma ni Commission on Election (Comelec) Chairman George Erwin Garcia na naghain ng kandidatura sa pagka-senador si Kingdom of Jesus Christ Leader Pastor Apollo Quiboloy sa pamamagitan ng kaniyang abogado.

Bago ito, nagpa-survey ang mga tagasuporta ng pastor, kung pabor daw ba ang publiko na tumakbo ito bilang senador.

Inamin naman ni Chairman Garcia na malaya ang sinuman na maghain ng COC, hangga’t wala pa itong hatol sa kinakaharap na kaso.

Si Quiboloy ay nananatili sa Philippine National Police Detention Facility sa Camp Crame, Quezon City dahil sa patung-patong na kasong kaniyang kinakaharap.