Naaresto na si Kingdom of Jesus Christ Pastor Apollo Quiboloy at hawak na ito ng mga alagad ng batas.
Ayon kay Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Benhur Abalos, ginagawa na ang angkop na proseso ng mga otoridad.
“Nahuli na si Pastor Quiboloy!”
DILG Sec. Benhur Abalos
Matatandaang dalawang linggo nang hinahanap ito sa KOJC compound para isilbi ang warrant of arrest na inilabas ng Pasig City Reginal Trial Court.
Matatandaan na noong June 2024 unang isinilbi ang warrants para kay Quiboloy sa iba’t-ibang KOJC properties, ngunit hindi natagpuan ang pastor.
Noong July 2024, naglaan ng reward na ₱10 million para sa makapagtuturo ng kinaroroonan ng nagtatagong religious leader.
August 2024 naman nang maglabas ang Court of Appeals ng freeze order para sa mga bank accounts nito, kasama na ang ilang properties, sasakyan at aircraft.
Nitong unang linggo ng September 2024, sinabi ni Atty. Israelito Torreon na umalis si Quiboloy sa KOJC compound noon pang March 2024, pero hindi tinantanan ng Philippine National Police ang paghahanap sa pastor.
Umabot pa sila sa paghuhukay hanggang sa iba’t-ibang parte ng 30 ektaryang bakuran ng naturang samahan.