-- Advertisements --

Pinapasampahan na ng US prosecutors ng kasong sex-trafficking si Pastor Apollo Quiboloy ang founder ng Kingdom of Jesus Christ, The Name Above Every Name (KOJC) at iba pang church officials.

Nakapaloob ito sa 72-page indictment charges na inilabas ng Los Angeles Federal Prosecutors.

Batay sa indictment, inaakusahan si Pastor Quiboloy at dalawa pang defendants ng pagre-recruit ng mga kababaihang edad 12 hanggang 25-anyos, bilang personal assistants o pastorals kung saan sila umano ang naghahanda ng pagkain ng pastor, naglilinis ng kanyang mga bahay, magmamasahe sa kanya at makipagtalik sa anila’y night duty.

Si Pastor Quiboloy na self-proclaimed Owner of the Universe at Apoointed Son of God ay longtime friend at spiritual adviser ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Wala pa namang reaksyon sa ngayon ang kampo ni Pastor Quiboloy sa nasabing report mula sa Estados Unidos.