-- Advertisements --

BUTUAN CITY – Hustisya ang sigaw ng mga ka-anak at mga kasamahan sa simbahan ng isang pastor matapos itong pagtatagain at ginilita pa sa leeg-patay dakong alas-8:00 kagabi, Pebrero a-2 sa Purok 5, Brgy. Langgasian, sa bayan ng La Paz, Agusan del Sur.

Nakilala ang biktimang si Nathaniel Castanio Bravio, pastor ng Four Square Church habang ang suspetsado ay nakilala namang si Robert Torres Gonzales, binata, magsasaka at-large pa sa ngayon.

Patuloy pa ang imbestigasyon ng pulisya upang malaman ang motibo ng karumal-dumal na kremin