-- Advertisements --
South Korea Sarang Churh Seoul COVID
Sarang Jeil Church in Seoul (Wiki photo)

Sinampahan na ng kasong kriminal ang isang pastor sa South Korea matapos na mahawa sa COVID-19 ang 315 katao sa kanilang simbahan.

Inakusahan ng mga otoridad si Rev. Jun Kwang-hoon ng Sarang Jeil Church sa Seoul sa pagsasagawa nang pagtitipon na isang paglabag daw sa infectious disease prevention law ng siyudad na naging dahilan nang panibagong coronavirus outbreak.

Ayon sa South Korean authorities, sa kabuuang 4,066 katao na natukoy na huling bumisita sa simbahan nasa 1,045 ang hindi na ma-contact.

Umaabot sa 550 ang walang addresses habang nasa 495 naman ang hindi sumasagot sa tawag sa telepono.

Doon naman sa mga sumailalim sa contract tracing umaabot sa 1,207 ang nagpositibo umano sa virus.

Seoul crowd COVID SOKOR
Seoul, South Korea (photo from FB @seoulcitykorea)

Samantala ang iba naman ay nag-aantay pa sa resulta ng testing.

Binigyan diin pa ng mga otoridad na una nang pinagbawalan ang nasa 7,560 churches sa South Korean capital na magsagawa ng gatherings dahil sa COVID pandemic liban lamang sa regular na weekly services.

Kailangan din daw na obserbahan ng mga sumasamba ang mahigpit na social distancing regulations.

Bilang reaksiyon, mariin namang itinanggi ng Sarang Jeil Church legal team ang alegasyon sa kanila at kay Rev. Jun.

Sa ngayon patuloy naman ang kanilang kooperasyon sa gobyerno.

Nakatakda rin silang maghain ng kaso laban sa gobyerno dahil umano sa paninirang puri sa kanilang organisasyon.