DAVAO CITY – Patuloy ngayon na iniimbestigahan ng otoridad ang motibo at kung sino ang nasa likod ng pamamaril patay sa isang pastora habang natutulog sa kanilang bahay sa Barangay San Rafael Cateel, Davao Oriental.
Ayon kay PMajor Randy Galicia, hepe sa Cateel Municipal Police Station, na habang natutulog ang biktima kasama ang kanyang mister, bigla na lamang pinagbabaril ang mga ito ng mga suspek.
Nakilala ang mga ito na sina Luciba Casangyao, na agad nalagutan ng kanyang buhay at Rene Casangyao, 67 anyos, na nagtamo ng sugat sa kanyang likod at kamay.
Ayon kay Rene, bigla na lamang sila na nagising ng marinig ang sunod-sunod na putok.
Nakita na lamang nito ang kanyang asawa na wala buhay at naliligo na sa sariling dugo.
Agad isinugod sa ospital ang mag-asawa ngunit idineklara ng mga doktor na dead on arrival ang pastora, habang ligtas naman ang kalagayan ni Rene.
Sinasabing pinasulot ng mga suspek sa butas ng bahay ang kanilang ginamit na armas dahilan na hindi nila nakilala ang mga suspek.
Narekober ng otoridad sa bahay ng mga biktima ang mga bala ng hindi pa malaman na kalibre ng armas.