Kinumpirma ngayon ni Quezon City Mayor Joy Belmonte na umabot na 143 ang kanilang mga natukoy na nakasalamuha ng COVID-19 patient na nagpositibo sa bagong variant mula sa United Kingdom.
Liban nito nakontak na rin daw ng kanilang lokal na pamahalaan ang pito sa walong mga kasamang pasahero na pawang taga-Quezon City Rin at sakay din ng eroplano mula sa United Arab Emirates.
Sa ngayon, ang pasyente ay asymtomatic na at hindi na rin kinailangang i-confine pa sa ospital.
Maging aniya ang mga pamilya ng pasyente na hindi naman close contact ay na-test na rin bilang bahagi ng precautionary measures.
Muling ring inulit ng alkalde na walang dapat ikabahala sa mga taga-Barangay Kamuning bunsod na hindi naman umuwi doon ang pasyente
Sa ngayon ang lungsod ay merong 94% o 27,282 na ang gumaling mula sa COVID-19.
Iniulat din ng QC Epidemiology and Disease Surveillance Unit (CESU) nasa 1,034 ang kumpirmadong active cases mula sa 29,104 na kabuuang bilang na nagpositibo sa lungsod mula noong nakaraang taon.