CENTRAL MINDANAO – Mas minabuting ideklara ang “dropped COVID-case” na ang nai-report ng bayan ng Kabacan, Cotabato nitong nagdaang araw.
Batay sa paliwanag ng RHU, ito ay upang ma-clear ang pangalan ng case 99 na 27-years old lalaki may travel history sa General Santos City at kasalukuyang nasa CRMC.
Ayon pa sa tanggapan, kasabay sana ito ng dalawang na-expose na babae bago ideklarang dropped COVID-case.
Pagpapaliwanag pa niya, na-swab ito ng RHU sa mga huling araw ng pagkakaroon nito ng COVID kaya ito ay nagpositibo nang ito ay muling ma-swab ay nag-negative sa ospital na pinagdalhan dahil na rin kailangan itong maospital batay sa kanyang medical record.
Sa ngayon ay nasa ospital pa rin ito at ikokonsiderang positive case at sa oras na mapalabas na ito ng ospital ay cleared at recovered na ito.
Samantala, sa kabuuan mayroon ng 99 siyamnapot siyam na kaso sa bayan. Walo rito ay aktibo.
Laging paalala ni Kabacan Mayor Herlo Guzman Jr. sa taumbayan na sundin at laging ipairal ang health protocols kontra COVID-19.