-- Advertisements --

CAUAYAN CITY – Nagpasalamat ang pamunuan ng Philippine Athletics Track and Field Association (PATAFA) sa pagiging matagumpay ng ginaganap na Philippine Athletics Championship sa City Sports Complex sa Ilagan, Isabela.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni PATAFA President Dr. Philip Ella Juico na sa loob ng tatlong beses nang maging host ang Ilagan City sa National Open ay nagiging sentro na ng track and field championships mapa lokal man o foreign athletes.

Sinabi pa ni Juico na kontento siya sa performance ng mga atletang pinoy sa katatapos na Philippine Athletics Championship kung saan mayroong na-qualify na maglaro sa Southeast Asian (SEA) Games.

Ang closing ng Philippine Athletics Championship ay gaganaping ngayong gabi sa Ilagan City sports complex kung saan magkakaroon ng fireworks display na susundan ng konsiyerto nina Emmanuelle Vera at Kakai Bautista.