-- Advertisements --

Magpapaabot din ng tulong ang Philippine Athletics Track and Field Association (PATAFA) para sa Ukraine bilang pagtugon sa kahilingan ni National Olympic Committee of Ukraine President at Vice-President of World Athletics, Sergey Bubka.

Ito ay matapos ng isang liham si Bubka na humihiling ng tulong gitna ng nagpapatuloy na kaguluhan ngayon sa Ukraine.

Ang kanyang liham ay naglalaman ng listahan ng kanilang mga pangunahing pangangailangan tulad ng first aid medical materials, hygiene products, mga damit pambata, pangmatagalang pagkain at suportang pinansyal.

Dahil dito nakatakdang magpadala ng $1000 na tulong-pinansyal ang PATAFA kasabay paglulunsad nito ng “Waging Peace for Athletes and Kids in Ukraine” na layuning suportahan ang mga refugee, mga inosenteng sibilyan, mga atleta, at mga batang nawalan ng tirahan nang dahil sa kaguluhan doon ngayon.

Sinabi rin ng PATAFA na magpapatuloy ang mga ito sa pagpapaabot ng tulong sa Ukraine bilang pakikiisa na rin sa bansa.
Top