-- Advertisements --

Pinasinungalingan ni Philippine Athletics Track and Field Association (PATAFA) President Philip Ella Juico ang akusasyon ni pole vault coach Vitaly Petrov na inimbento lamang nito ang usapin ng hindi pagbabayad sa kaniya ni Pinoy Olympiad Ej Obiena.

Sinabi ni Juico na walang katotohanan ang pahayag ni Petrov na kinasabwat niya ang Ukranian coach para pumabor ang pahayag nito sa PATAFA.

Dagdag pa nito na malayong mangyari ang nasabing alegasyon dahil sa magkakaiba ang kanilang timezone nina Petrov at Obiena.

Magugunitang pinabulaanan ni Petrov ang alegasyon ng PATAFA na hindi nito natanggap ang bayad sa pagsasanay kay Obiena.

Inakusahan din ng PATAFA si Obiena na nameke ng mga dokumento niya sa liquidation sa mga pagbabayad kay Petrov.