Inihayag ng Civil Service Commission (CSC) na kasalukuyang ginagawa ang patakaran para sa mga hindi nabakunahang empleyado ng gobyerno na mag-report para sa on-site work.
Ang nasabing guidelines ay nakatakdang ilabas “anumang oras sa lalong madaling panahon.”
Sinabi ni CSC Commissioner Aileen Lizada nakipag-ugnayan na sila sa Department of Health (DOH) kaugnay sa “regular RT-PCR” testing sa mga hindi bakunadong manggagawa.
Aniya, ang komisyon ay nagsagawa na ng iba’t-ibang pagpupulong kasama ang kanilang legal team at policy office kaugnay sa nasabing hakbang.
Magugunitang ang Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF) Resolution 148-B ay nag-require sa mga empleyado na magpabakuna kontra Covid-19 lalo na ang mga magsagawa ng on-site work.