-- Advertisements --

Pinasalamatan ni Sen. Dick Durbin (D) si Supreme Court nominee Amy Coney Barrett sa kaniyang closing statement.

Ikinalugod ng senador ang “pagiging patas” daw at pagiging flexible nito sa buong panahon ng kanyang pagdinig sa kumpirmasyon.

Pinasalamatan din nito ang pamilya ni Barrett sa suporta sa kaniyang buong nomination process.

Hindi naman kinalimutan ng senador ang paghingi ng paumanhin sa mga anak ni Barrett para sa anumang mga “masakit na pangyayari” na maaaring sila ay nabanggit kahit pa hindi sila maaring dumaan doon dahil sila ay “mga inosenteng biktima.”

Si Barrett ay naidagdag sa listahan ng mga potensyal na nominado ng Korte Suprema kung saan noong Setyembre 2020, hinirang ni US President Donald Trump si Barrett na pumalit kay Ruth Bader Ginsburg sa Korte Suprema ng Estados Unidos. (with report from Bombo Jane Buna)