-- Advertisements --
Tiniyak ni Department of Education Secretary Sonny Angara na magiging patas at transparent ang lahat ng isasagawang bidding ng ahensya sa kanilang mga proyekto.
Ayon sa kalihim, sisiguruhin nila na nasusunod ang kanilang mandato na gawing transparent sa publiko ang mga proseso ng procurement at bidding.
Paliwanag pa ng kalihim na mabibigyan ng pantay na pagkakataon ang lahat ng supplier at contractor na gustong lumahok sa bidding.
Nagbabala rin ito sa sinumang kinatawan at employado ng ahensya na mapapatunayang sangkot sa ilegal na bidding process.
Ito ay maaaring humantong sa pagkakasibak sa pwesto at kaukulang disciplinary action.