Tiniyak ng Department of Energy (DOE) sa publiko ang pagiging patas sa pagpapatupad ng extended electricity lifeline rate subsidy, at sinabing ang diskuwento ay ibibigay lamang sa mga kwalipikadong benepisyaryo.
Sinabi ni DOE Assistant Secretary Mario Marasigan na ang kamakailang nilagdaan na implementing rules and regulations (IRR) ng Republic Act 11552 ay kasama na ngayon ang mga pag-iingat sa pagkakaloob ng mga subsidy, kung kaya’t itutuon nito ang diskwento sa marginalized sector habang tinitiyak na maging maliit lamang ang epekto nito sa mga subsidizing sectors, na siyang mga non-lifeline electricity consumers.
Ang nilagdaang implementing rules and regulations (IRR) ay nagbibigay-daan sa mga nasa marginalized sector na patuloy na makatanggap ng mga government subsidies sa kanilang mga singil sa kuryente sa loob ng 30 years pagkatapos ng unang 20 years sa orihinal na Republic Act.
Ang Department of Energy, Energy Regulatory Commission (ERC) at Department of Social Welfare and Development (DSWD) ay magkasamang lumagda sa implementing rules and regulations (IRR) ng RA 11552 noong Oktubre 28.