-- Advertisements --

Patay at sugatan ang maraming katao sa Lapu Lapu Festival sa Vancouver, Canada, noong Sabado ng gabi, nang banggain ng isang sasakyan ang isang crowd sa East 41st Avenue at Fraser Street bandang ala-8 ng gabi (local time).

Ayon sa Vancouver police, ang driver ng sasakyan ay nasa kustodiya na nila, ngunit hindi pa inilalabas ang kanyang pagkakakilanlan.

‘We will work to provide more information as soon as we can, but at this time, Vancouver police have confirmed that there are several fatalities and multiple injuries, ani Vancouver Mayor Ken Sim.

‘We will work to provide more information as soon as we can, but at this time, Vancouver police have confirmed that there are several fatalities and multiple injuries,’ pagtitiyak pa niya

Nagpahayag din ito ng simpatya para sa mga naulilang pamilya.

Isinalarawan naman ni NDP leader Jagmeet Singh, na naroroon sa festival bago ang insidente, na isang ‘horrified’ ang naturang pangyayari.

‘I am shocked by the horrific news emerging from Vancouver’s Lapu Lapu Day Festival tonight. My thoughts are with the Filipino community and all the victims targeted by this senseless attack,’ post nito sa kaniyang social media.

Nagpasalamat din ito sa mga responders na agad na tumugon sa insidente.

Patuloy naman ang isinasagawang imbestigasyon ng mga awtoridad at kasalukuyang wala pang eksaktong bilang ng mga nasawi at nasugatan ang inilalabas.