-- Advertisements --
Nasa 120 katao ang nasawi at marami pa ang hindi pa nahahanap sa malawakang pagbaha sa western Europe.
Isa sa naging dahilan ng pagbaha ay ang walang humpay na pag-ulan na nagresulta sa pag-apaw ng mga ilog.
Sa Germany pa lamang ay mayroong 100 katao na ang nasawi.
Dahil dito ay nanawagan si German Chancellor Angela Merkel ng paglaban sa Climate Change.
Aabot naman sa 20 katao ang nasawi sa Belgium, The Netherlands, Luxembourg at Switzerland.
Kasabay din nito ay idineklara ni Belgian Prime Minister Alexander De Croo ang July 20 bilang national day of mourning.