-- Advertisements --

BUTUAN CITY – Kaagad inilibing ang whale shark o butanding na natagpuang patay
sa dalampasigan ng Purok 1, Pitogo, Brarangay Urbiztundo, Claver, Surigao del Norte kahapon ng umaga.

Ayon kay P/Major Nira B. Perocho, hepe ng Claver Municipal Station, agad rumesponde ang kanyang mga tauhan matapos matanggap ang impormasyon hinggil sa napadpad na butanding.

Mga personahe na rin ng Department of Agriculture, Municipal Environment and Natural Resources Office at Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office, ang gumawa sa paglilibing ng butanding.

Mayroong apat na metrong haba at 300 kilo na timbang ang patay na whale shark.