-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO-Binawian ng buhay ang mag-ama nang mabagsakan ng punong kahoy sa probinsya ng Cotabato.

Nakilala ang mga biktima na sina John Raye Bag-o,32 anyos,may asawa at ang kanyang anak na si Hartly Carl Albaro Bag-o,8 anyos,mga residente ng Purok 3 Barangay Garsika Makilala Cotabato.

Ayon sa ulat ng Makilala PNP na bigla umanong nabuwal ang malaking puno ng buli na may laking pitong tonelada at bumagsak sa tahanan ng mga biktima.

Patay on the spot ang 8 anyos na bata nang maipit sa puno habang naisugod pa ang kanyang ama sa pagamutan ngunit hindi na ito umabot ng buhay.

Nakaligtas naman ang asawa ng biktima at iba nitong anak na nasa labas ng kanilabng tahanan.

Bulok na umano ang punong kahoy at malakas rin ang hangin kaya nabuwal ito kung saan bumagsak sa tahanan ng mga biktima.

Nagpaabot naman ng tulong ang LGU-Makilala sa pamilya ng mga mag-ama.