-- Advertisements --
Jolina 1

Lumobo na sa 15 katao ang naiulat na namatay habang 10 ang missing dulot ng pananalasa ng bagyong Jolina.

Ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), maliban sa mga namatay at missing, may naiulat ding 20 katao na sugatan.

Sa ngayon pumalo na sa 140,444 katao o katumbas ng 37,022 pamilya sa 891 na mga barangay sa Region 3; Calabarzon, Mimaropa, Regions 5, 6, 8, 12 at National Capital Region (NCR) ang apektado ng bagyo.

Sa datos ng NDRRMC, nasa 19,778 displaced persons o 5,341 displaced families ang nailikas sa 412 evacuation centers.

Nasa 9,174 displaced persons or 2,351 displaced families naman ang nananatiling nasa labas ng evacuation centers.

Sa kasagsagan ng pananalasa ng bagyo, walong domestic flights ang kanselado habang kabuuang 200 passengers, 195 rolling cargoes, anim na vessels ang na-stranded mula Region 1, Region 3, Calabarzon; Mimaropa at Regions 5, 6, 7, 8, 12, Cordillera Administrative Region (CAR) at NCR.

Umabot naman sa 6,575 bahay sa Calabarzon, Mimaropa at Regions 5, 6, at 8 ang ang nasira dahil sa naturang bagyo.

Tinatayang papalo na sa P190,911,048 ang pinsala ng bagyo sa agrikultura sa Rehiyon 3, Mimaropa at Regions 5, 6 at 8.

Sa pinsala naman sa imprastraktura, nasa P30,675,253 na ang pinsalda sa Mimaropa at Regions 5 at 6.