Umakyat na sa 47 katao ang naitalang nasawi sa pananalasa ng bagyong Ursula sa bansa.
Ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) mayroon pang siyam katao ang nawawala at 140 ang sugatan.
Sa nasabing bilang 26 dito ay mula sa Western Visayas, 13 sa Eastern Visayas, 7 sa Mimaropa at isa sa Central Visayas.
Sinabi ni NDRRMC spokesperson Mark Timbal na karamihan sa mga nasawing biktima ay nalunod habang ang iba ay nabagsakan ng puno at iba ay nakuryente.
Mayroon namang 372 na paaralan sa Calabarzon, Mimaropa, Bicol, Western Visayas at Eastern Visayas ang nasira ng bagyo ayon na rin sa ulat ng Department of Education.
Umabot na rin sa P1 billion na halaga ng mga pananim at imprastraktura sa Mimaropa , Bicol at Visayas ang iniwan na pinsala ng bagyong Ursula.