-- Advertisements --

Lagpas na sa 94,000 ang mga namamatay sa Brazil dahil sa coronavirus.

Sa mga bansa lamang sa Latin America region mahigit na sa 200,000 ang deaths toll.

Ang Brazil ang may hawak na record na mahigit sa kalahating namatay sa rehiyon.

Iniulat naman ng Brazil Health Ministry na meron na namang 541 ang mga panibagong namatay kaya nasa 94,104 na ang kabuuang mga nasawi.

Samantala kinumpirma naman ng Brazilian Health Ministry na nasa 25,800 ang panibago na namang mga kaso para umakyat pa sa 2,733,677 ang total cases.

Kung maaalala noong nakaraang linggo lamang si first lady Michelle Bolsonaro at dalawang pang ministers ni President Jair Bolsonaro ay nagpositobo sa COVID cases.

Habang si President Bolsonaro ay nakarekober na.