-- Advertisements --
ZHEJIANG, China – Halos 40 na ang patay at 16 pa ang nawawala sa pananalasa ng typhoon Lekima na dating bagyong Hanna noong nasa Pilipinas pa.
Nasa limang milyong residente ng Zhejiang province ang sinasabing naapektuhan at isang milyon sa mga ito ang napilitang lumikas.
Sa inisyal na pagtaya, 14.57 billion Yuan na ang pinsala sa Zhejiang pa lamang.
Pero karamihan sa mga nasawi ay mula sa syudad ng Wenzhou.
Maliban dito, 3,200 flights naman ang nakansela dahil sa masamang lagay ng panahon.
Ang “Lekima” na ang ika-siyam na bagyong tumama sa China ngayong taon. (BBC/Xinhua)