-- Advertisements --
Umakyat na sa anim ang bilang ng mga nasawi sa 6.3 magnitude na Cotabato quake noong Oktubre 16, 2019.
Batay sa ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), tatlo sa mga namatay ay mula sa Region XI o Davao Region; dalawa mula sa Region XII o SOCCSKSARGEN; habang isa naman mula sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).
Maliban sa mga ito, mayroon ding 93 sugatan sa mula sa tatlong nabanggit na rehiyon.
Umaabot sa 334 ang mga nawasak na bahay at istraktura, 1,365 ang partially damaged o may kabuuang pinsala na 1,699.
Sa pagtaya ng mga opisyal, maaari pa itong madagdagan dahil tuloy-tuloy pa ang aftershocks sa malaking parte ng Mindanao.