-- Advertisements --
Lumundag pa sa 30,642 ang bilang ng mga nasawi dahil sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa buong mundo.
Nangunguna ang Estados Unidos na may 121,066; pangalawa ang Italy na may 92,472; habang ang China naman ang ikatlo sa 81,394 fatalities.
Sa record naman ng mga infected, umaabot na ito sa 660,173.
Ang 462,523 (95%) ay nasa mild condition, samantalang ang 25,544 (5%) ay nasa serious o critical condition.
Nakarekober naman ang 141,464 (82%) pasyente, matapos sumailalim sa gamutan.