Umabot na sa 11 katao ang naitalang kumpirmadong nasawi sa gumuhong 12-palapag na gusali sa Surfside, Florida.
Sinabi ni Miami-Dade Fire Rescue chief Raide Jadallah, agad nilang tinanggal ang nasabing biktima sa mga debris mula sa gusali.
Aniya, hindi pa sila magdedeklara ng search and recovery dahil ito ay malayo pa sa katotohanan.
Naniniwala sila na may mga buhay pa na mga biktima na natabunan mula sa gumuhong gusali kaya tuloy pa ang search and rescue operations.
Dumating na rin ang National Rescue Unit ng Israel at international rescue team ng Mexico na Topos Azteca para tumulong sa nasabing paghahanap sa mga biktima.
Ayon kay Surfside Mayor Charles Burkett na katuwang nila ang ibang rescue units mula sa ibang bansa para mailabas ang mga tao na natabunan sa gumuhong gusali.
Nauna ng dumating noong nakaraang linggo ang mga Go Team na kinabibilangang ng pitong international volunteers mula sa Cadena, isang Jewish nonprofit rescue group na nakabase sa Miami para tumulong na rin sa paghahanap.