-- Advertisements --

TOKYO, Japan – Pumalo na sa 74 ang bilang ng nasawi sa pananalasa ng typhoon Hagibis nitong nakalipas na weekend.

Ayon sa mga otoridad, tuloy-tuloy pa rin ang rescue operations para sa mga nawawalang residente, lalo na ang naninirahan sa mga bahay na malapit sa ilog.

Nabatid na 220 ang naitalang nasugatan sa kasagsagan ng bagyo at 12 pa ang hindi natatagpuan.

Nananatili naman hanggang ngayon sa evacuation centers ang mga nakatatanda at mga pamilyang nawalan ng bahay.

Sa pagtaya ng Japanese government, maglalaan sila ng 710 million yen ($6.5-M o P325-M) para makapagbigay ng disaster relief sa mga naapektuhang mamamayan. (Reuters)