-- Advertisements --

Pumalo na sa 23 katao ang patay sa patuloy na kaguluhan sa Bolivia.

Pinakahuling nasawi at ang tatlong katao ng nanlaban sa mga Bolivian security services sa Senkata gas plant malapit sa La Paz.

Ang nasabing bilang ay base na rin sa ginagawang monitoring ng Inter-American Commission on Human Rights mula ng magsimula ang kaguluhan noong Oktubre 20.

Nagsimula ang kaguluhan dahil sa alegasyon ng dayaan sa halalan na mariing pinabulaanan naman ni dating Bolivian President Evo Morales.