-- Advertisements --

Umabot na sa 45 katao ang nasawi sa patuloy na kaguluhan sa South Africa.
Sumiklab ang kaguluhan matapos na ikulong si dating South Africa President Jacob Zuma.

Sa nasabing bilang mayroong 10 ang nasawi dahil sa stampede na naganap bunsod ng looting na nagaganap.

Nakakalat na ang mga sundalo sa malaking bahagi ng bansa.

Tinawag naman ni President Cyril Ramaphosa na isang madugo ang kaguluha na dapat na matigil na.

Magugunitang ikinulong si Zuma dahil sa contempt of court sa pagbalewala na dumalo sa pagdinig sa kasong kurapsyon.