-- Advertisements --
Pumalo na sa 18 katao ang nasawi sa patuloy na kilos protesta sa Chile.
Napilitang magpaulan ng tear gas, rubber bullets at water cannons ang mga kapulisan sa protesters.
Nagalit pa lalo ang mga protesters ng mapatay ang isang 4-anyos na bata ng sagasaan ng hindi pa kilalang driver ang mga tao sa San Pedro de la Paz.
Ikinagagalit kasi ng mga mamamayan ang maling pamamalakad sa gobyerno ni President Sebastian Pinera.
Dahil sa nasabing patuloy na kaguluhan ay nagpatupad ng curfew ang mga otoridad sa bansa mula 10 p.m. hanggang 4 a.m.