-- Advertisements --
Nasa 301 katao na ang patay habang 15,000 ang sugatan sa anti-government protest sa Iraq.
Ayon sa Independent High Commission for Human Rights of Iraq (IHCHR), kabilang na dito ang pagkamatay ng dalawang katao sa Basra City sa kilos protesta na nagsimula noong Oktubre.
Ang ilang mga nasugatan ay nasugatan ng gumamit ng teargas at live bullets ang mga security forces.
Sumiklab ang kilos protesta sa Baghdad at ilang Shiite province dahil sa patuloy na pagtaas ng kaso ng unemployment, kurapsyon at lack of basic services gaya ng kuryente at malinis na tubig.
@@