-- Advertisements --

(Update) TACLOBAN CITY – Umakyat na sa 22 ang mga bangkay na narekober sa nangyaring landslide sa Baybay City sa lalawigan ng Leyte kasabay ng pananalasa ng bagyong si Agaton.

Pinangangambahang madaragdagan pa ang naturang bilang habang nagpapatuloy ang search and rescue operations mula sa mga bahay na nilamon ng pagguho ng lupa.

Ayon ito sa report ng Bombo Radyo Tacloban mula sa datos ng City Disaster Risk Reduction and Management Office (CDRRMO) at Baybay PNP.

Iniulat pa ng CDRRMO na 11 sa mga nasawi kung saan walo sa mga ito ay pawang mga babae ay nagmula sa Brgy. Malihi, lima naman ang namatay sa Brgy. Kantagnos, dalawa sa Brgy Maypatag, at tig-isa rin ang mga nasawi sa Brgy Candadam, VSU at sa Brgy Bunga.

Liban nito meron pang 27 mga residente ang nawawala pa.

Bago ito mahigit naman sa 100 pamilya ang inilikas mula sa iba’t ibang mga lugar.

Napag-alaman din na pahirapan ang transportasyon patungo sa landslide area dahil may mga kalsada na hindi madaanan.

Puspusan na rin ang pag-ayuda ng Provincial Disaster Risk Reduction Management Office ng Leyte tulad nang pagpapadala ng dagdag na personahe at mga equipment.

agaton landslide baybay
landslide baybay leyte agaton