-- Advertisements --

Nasa 18 katao na ang nasawi kabilang ang 12 bata habang anim na iba pa ang nawawala sa naganap na lanslide sa bayan ng Talisay sa Batangas.

Ayon kay Patrolwoman Nenette Landicho ng Talisay Police Station, na kanilang narekober ang bangkay ng mga biktima sa lugar ng landslide sa Purok B ng Barangay Sampaloc.

Nangyari ang landslide dahil nitong gabi ng Huwebes dahil sa walang tigil ang malakas na pag-ulan.

Sinabi naman ni Batangas police director Col. Jacinto Malinao na maaring tumaas pa ang bilang ng mga nasawi dahil sa mayroon pang anim katao ang patuloy nilang hinahanap kabilang ang isang babae at anak nito na natabunan ng makapal na lupa.

Tiniyak naman ni Talisay Mayor Nestor Natanaua na kanilang tutulungan ang mga pamilya ng biktima.

Sa kasalukuyan ay nasa 311 pamilya na binubuo ng 1,457 katao ang nasa evacuation centers.

Una rito ay inilagay na ng probinsiya ng Batangas sa State of Calamity dahil sa matinding pinsala dulot ng bagyong Kristine.