-- Advertisements --
Pumalo na sa 62 katao ang nasawi sa pagguho ng mga gusali sa matapos na tamaan ng magnitude 6.9 na lindol sa Turkey.
Sa pinakahuling rescue operations, ay nailigtas nila ang isang 70-anyos na lalaki na natagbunan mula sa isa sa 20 gusali na gumuho.
Sa mahigit 900 na biktimang nasugatan, 700 dito ang nakalabas na sa pagamutan.
Naninirahan naman ang ilang mga residente sa itinayong 3,000 na tents na mayroong 13,000 na kama matapos ang pagguho ng 20 gusali nitong nakaraang Biyernes.
Tiniyak naman ni Turkish President Tayyip Erdogan na makakabangon ang Izmir region na lubhang tinamaan ng lindol.