-- Advertisements --

Pumalo na sa 127 katao ang nasawi sa isinagawang airstrike ng Israel sa Gaza sa loob ng 25 na oras.

Dahil sa nasabing bilang ay umabot na sa halos 29,000 na Palestino ang nasawi at halos 69,000 naman ang sugatan mula ng paigtingi ng Israel ang kanilang operasyon laban sa Hamas sa Gaza.

Ikinabahala naman ng World Health Organization na maraming mga pasyente ang masasawi sa patuloy na pag-atake ng Israel sa mga pagamutan sa Gaza.

Ginawang taguan kasi ng mga Hamas ang mga pagamutan para hindi basta atakihin ng Israel Defense Forces.