-- Advertisements --
Bigasan 2
epekto ng lindol

Pumalo na sa 22 katao ang patay sa naganap na magkakasunod na lindol sa Mindanao.

Ayon sa National Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) na huling nasawi ang 67-anyos na si Melecia Jamero Siega ng Makilala na pumanaw na rin matapos manatili sa pagamutan.

Tinamaan ito ng mga nahulog na debris noong 6.5 magnitude na lindol noong Oktubre 31.

Mayroon namang 432 ang nasugatan at dalawa pa ang nawawala.

Pumalo naman sa 28,951 ang mga nasirang kung saan 21,029 ang totally damaged at 7,922 naman ang partially damaged.

Pumalo na rin sa P24.3 million ang tulong na naibigay sa mga biktima ng lindol sa pamamagitan ng Department of Health (DOH) at Department of Social Welfare and Development (DSWD) ganun din sa Office of Civil Defense.

Magugunitang naging epicenter ng magkakasunod na lindol ang Tulunan, Cotabato na unang tumama noong Oktubre 16 na mayroong 6.3 magnitude, magnitude 6.6 naman noong October 29 at magnitude 6.5 na lindol noong Oktubre 31.