-- Advertisements --
Pumalo sa halos 30 katao ang nasawi at 12 ang nawawala matapos ang naganap na malawakang pagbaha sa South Korea.
Ayon sa Ministry of Interior and Safety, ang ilang araw na malakas na pag-ulang ang siyang naging sanhi ng malawakang pagbaha.
Nasa 3,700 katao naman ang nawalan ng bahay.
Dinala naman sa temporary shelters ang mahigit 4,600 katao.
Naglabas din ang mga otoridad ng landslide warnings sa 24 regions kung saan nasa 667 landslide na naiulat nitong Agosto.