-- Advertisements --

Umabot na sa 158 katao ang nasawi sa malawakang pagbaha sa Valencia, Spain.

Ayon sa mga otoridad na mayroong 155 ang nasawi sa Valencia, dalawa sa Castilla-La Mancha at isa sa Andalusia.

Kinumpirma naman ng British Authority na isang kababayan nila ang kabilang sa nasawi.

Patuloy na kinikilala naman ng mga otoridad ang pagkakakilanlan ng mga nasawing biktima.

Tumulong na rin ang mga kasundaluhan ng Spain para sa agad na ilikas ang ilang mga naapektuhan ng malawakang pagbaha.