-- Advertisements --
Pumalo na sa 34 katao ang patay sa naganap na mudslide mula sa matinding pag-ulan sa southern Japan.
Kabilang sa nilamon ng lupa ay ang elderly home facilities kung saan marami doon ang nasawi.
Gumamit na ng helicopters at bangka ang gobyerno para sa rescue operations.
Mayroon ding 40,000 na sundalo, coastguard at bumbero ang nagtulong-tulong para sa rescue operations sa Kuma Rivers sa Kumamoto region.
Agad namang inilakas ang nasa 200,000 residente sa Kumamoto prefecture dahil sa patuloy na pag-ulan na nagsimula pa noong Biyernes.