-- Advertisements --

Umabot na sa 50 katao ang nasawi sa nangyaring missile strike ng Russia sa isang train station sa Ukraine.

Ayon kay Kramatorsk Governor Pavlo Kyrylenko na mayroong 100 katao na rin ang nasugatan na itinakbo sa pagamutan.

Inaasahan nito na madadagdagan pa ang bilang ng mga masasawi dahil sa insidente.

Tiniyak din ng gobernador na kahit na mayroong nangyaring pambobomba ay patuloy pa rin ang ginagawa nilang evacuation.

Magugunitang nagpakawala ang Russia ng dalawang missile na tumama sa isang train station sa Kramatorsk.