-- Advertisements --
Pumalo na sa 46 katao ang bilang ng mga nasawi sa pagbagsak ng military plane ng Sudan.
Ayon sa Sudanese military na kabilang sa mga nasawi ang mga babae at bata na itinuturing na pinakamalalang plane crashes sa northeastern African nation sa loob ng dalawang dekada.
Ang Antonov aircraft ay bumagsak sa mataong lugar sa Omdrman na ikinasugat ng 10 katao at unang iniulat na mayroong 19 na nasawi.
Galing sa Wadi Sayidna air base sa north Omdurman ang eroplano ng ito ay bumagsak sa residential area.
Kabilang sa mga nasawi ay mga matataas na military officials ng Sudan.
Patuloy ang ginagawang imbestigasyon ng mga otoridad ukol sa sa insidente.