-- Advertisements --

Pumalo na sa 107 katao ang nasawi mula sa malawakang pagbaha sa southern Brazil.

Ayon sa civil defense ng Brazil na mayroon pang 136 katao ang kanilang hinahanap.

Labis na sinalanta ng nasabing pagbaha ay ang Rio Grand do Sul kung saan mahigit 164,000 ng mga residente ang nawalan ng tirahan.

Nagbabala rin ang mga otoridad na hindi pa matitigil ang pag-ulan hanggang sa mga susunod na araw.

Patuloy pa rin ang ginagawang pagrescue ng mga otoridad sa nasabing lugar.